Halimuyak Ng Gabi Sa Disyerto
At kung ang lahat
Ay nabuhay
At nangibig
At naglaho na
Mayroon pa kayang maiiwang bango
Ang mga pinigang talulot ng bulaklak
Na masisimsim
Sa mga munting sisidlang kristal
Na hahalimuyak nang buong sangsang
Sa kalawakan ng disyerto
Tuwing maliwang ang buwan
At nagniningning ang mga bituin
At ang mga palmera ay umiimbay
Nang buong kalamyusan
Sa pagbighani sa mga manlalakbay
Upang sandaling magpahingalay
At magpatighaw ng uhaw
Sa malamig na oasis
Ng kisapmatang tunog at liwanag
Na kapagdaka'y malalambungan
Pagragasa ng buhawi
Sa buhanginan
Perfumed Desert Night
And then when all
Have lived
And loved
And died
Will there still be
A lingering presence
Of squeezed flower petals
Left in tiny crystal vials
Which shall fill
With magical lushness
The vastness of the dunes
When the moon and stars
Glow in the night sky
And the date palms sway
With sensuous delight
Enticing wanderers
To rest for a while
And drink from the cool oasis
Of fleeting sound and light
Which shall soon be blotted out
By the rampaging storm of sand
No comments:
Post a Comment